Levitico 4:17-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Itutubog niya sa dugo ang kanyang daliri at pitong beses niyang iwiwisik iyon sa harap ng tabing.

18. Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay sa altar na nasa Toldang Tipanan. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa may pintuan ng Toldang Tipanan.

19. Kanyang susunugin sa altar ang lahat ng taba

20. tulad ng ginagawa sa taba ng torong inihandog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ito ang gagawin ng pari upang mapatawad ang buong sambayanan.

Levitico 4