Levitico 27:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

2. “Sabihin mo sa mga Israelita: Kung may mamanata kay Yahweh na maghandog ng tao, iyon ay tutubusin nang ganito:

3. Kung anak na lalaki, mula sa dalawampu hanggang animnapung taóng gulang, ito ay susuriin upang palitan o tubusin sa halagang limampung pirasong pilak ayon sa timbangan sa santuwaryo

4. at tatlumpung pirasong pilak naman kung babae.

Levitico 27