Levitico 23:3-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo'y magpapahinga. Iyon ay araw ng banal na pagtitipon. Huwag magtatrabaho ang sinuman sa inyo, saanman kayo naroroon; iyon ay Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh.

4. “Ito ang mga pistang itinakda ko:

5. ang Pista ng Paskwa na gaganapin sa gabi ng ikalabing apat na araw ng unang buwan.

6. Kinabukasan ay Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa; pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.

7. Sa unang araw, magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon; huwag kayong magtatrabaho.

8. Pitong araw kayong mag-aalay kay Yahweh ng handog na susunugin. Sa ikapitong araw, muli kayong magkakaroon ng banal na pagtitipon; huwag kayong magtatrabaho.”

Levitico 23