14. Ang lalaking makipag-asawa sa isang babae at sa ina nito ay karumal-dumal; silang tatlo ay dapat sunugin upang mawala ang gayong kasamaan.
15. Ang lalaking nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop.
16. Ang babaing nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop.
17. “Ang lalaking nag-asawa sa kanyang kapatid, maging ito'y kapatid sa ama o ina, at sila'y nagsama ay gumawa ng isang kahihiyan. Dapat silang itiwalag sa sambayanan. Nilagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan, kaya dapat siyang parusahan.