Levitico 14:42-46 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

42. Ang mga batong binakbak sa loob ng bahay ay papalitan ng bago at papalitadahan nang panibago ang loob ng bahay.

43. “Kung ang amag ay lumitaw na muli sa bahay matapos gawin ang lahat ng ito,

44. magsisiyasat muli ang pari. Kung ang amag ay kumalat, ipahahayag na niyang marumi ang bahay na iyon.

45. Ipasisira na niya ito nang lubusan at ipatatambak sa labas ng bayan sa tapunan ng basura.

46. Ang sinumang pumasok sa tahanang iyon habang nakasara ay ituturing na marumi hanggang gabi.

Levitico 14