Levitico 1:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Tinawag ni Yahweh si Moises, at mula sa Toldang Tipanan ay sinabi sa kanya,

2. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kung may maghahandog kay Yahweh, ang dapat niyang ihandog ay baka, tupa o kambing.’

3. “Kung baka ang kanyang handog na susunugin, kailangang ito'y lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang maging kalugud-lugod sa akin.

Levitico 1