Karunungan Ni Solomon 6:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Ang Panginoon ng lahat ay hindi natatakot kaninuman, gaano man ito kadakila.Siya ang may likha sa lahat, sa dakila at sa abâ,kaya't pare-pareho lang ang tingin niya sa lahat.

8. Ngunit mas mahigpit ang paghatol niya sa mga nasa kapangyarihan.

9. Kaya, mga hari, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na itoupang matuto kayo at nang hindi kayo magkasala.

10. Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.Kapag natutunan ninyo ang mga aral na ito, maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghatol.

Karunungan Ni Solomon 6