Karunungan Ni Solomon 6:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mga hari, pakinggan ninyo ito at unawain;mga namamahala sa buong daigdig, pag-aralan ninyo ito.

2. Makinig kayo, mga pinuno ng maraming bansa;kayo na ang ipinagmamalaki ay ang lawak ng inyong mga nasasakupan.

3. Ang pamamahala ninyo'y kaloob ng Panginoon,at ang kapangyariha'y mula sa Kataas-taasang Diyos.Siya ang susuri ng inyong mga gawa at sisiyasat ng inyong mga panukala.

4. Kung hindi kayo magiging tapat sa inyong pamamahala ng kanyang kaharian,kung hindi ninyo susundin ang Kautusan,at kung hindi kayo mamumuhay ayon sa kanyang kalooban,

Karunungan Ni Solomon 6