Karunungan Ni Solomon 5:21-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Mula sa balumbon ng mga ulap, iigkas ang mga kidlat,na tila mga palasong walang mintis na tatama sa bawat tudlain ng Panginoon.

22. Uulanin ang kanyang mga kaaway ng malalaking tipak ng yelo,hahampasin sila ng nagngangalit na alon ng dagat,at tatabunan sila ng umuugong na baha.

23. Babayuhin sila ng malakas na hanginat ipapadpad silang parang dayami.Kaguluhan ang maghahari sa buong daigdig,at babagsak ang mga pamahalaan dahil sa kanilang masasamang gawa.

Karunungan Ni Solomon 5