15. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay magpakailanman,gagantimpalaan sila ng Panginoon,iingatan sila ng Kataas-taasang Diyos.
16. Sila'y bibigyan ng maringal na karangalanat puputungan ng maningning na korona.Sila'y lulukuban ng kanang kamay niyang matuwid,at ipagtatanggol ng kanyang malalakas na bisig.
17. Sasalakayin niya ang kanyang mga kaaway hanggang sa malipol,at gagamitin niyang sandata ang sangnilikha.
18. Ang baluti niya'y ang katuwiran,ang helmet niya'y ang katarungan,
19. at ang kabanalan ang kanyang kalasag.
20. Ihahasa niya ang kanyang galit upang gamiting espada,at sasamahan siya ng mga lakas ng kalikasan,upang bakahin ang mga hangal na nangangahas lumaban sa kanya.
21. Mula sa balumbon ng mga ulap, iigkas ang mga kidlat,na tila mga palasong walang mintis na tatama sa bawat tudlain ng Panginoon.
22. Uulanin ang kanyang mga kaaway ng malalaking tipak ng yelo,hahampasin sila ng nagngangalit na alon ng dagat,at tatabunan sila ng umuugong na baha.
23. Babayuhin sila ng malakas na hanginat ipapadpad silang parang dayami.Kaguluhan ang maghahari sa buong daigdig,at babagsak ang mga pamahalaan dahil sa kanilang masasamang gawa.