13. Ganyan ang mangyayari sa ating buhay.Isinilang tayo at pagkatapos ay mamamatay,at wala tayong maiiwang bakas ng anumang kabutihan.Sa halip, inaaksaya natin ang panahon sa pagpapakasama.”
14. Ang pag-asa ng masama ay parang dayaming ikinakalat ng malakas na hangin,parang bula sa karagatang hinahampas ng bagyo,parang usok na itinataboy ng banayad na simoy ng hangin.Parang alaala ng isang panauhing tumira lamang nang isang araw.
15. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay magpakailanman,gagantimpalaan sila ng Panginoon,iingatan sila ng Kataas-taasang Diyos.
16. Sila'y bibigyan ng maringal na karangalanat puputungan ng maningning na korona.Sila'y lulukuban ng kanang kamay niyang matuwid,at ipagtatanggol ng kanyang malalakas na bisig.
17. Sasalakayin niya ang kanyang mga kaaway hanggang sa malipol,at gagamitin niyang sandata ang sangnilikha.
18. Ang baluti niya'y ang katuwiran,ang helmet niya'y ang katarungan,
19. at ang kabanalan ang kanyang kalasag.
20. Ihahasa niya ang kanyang galit upang gamiting espada,at sasamahan siya ng mga lakas ng kalikasan,upang bakahin ang mga hangal na nangangahas lumaban sa kanya.
21. Mula sa balumbon ng mga ulap, iigkas ang mga kidlat,na tila mga palasong walang mintis na tatama sa bawat tudlain ng Panginoon.