1. Pagdating ng araw, ang matuwid ay taas-noong haharap sa mga nagpahirap sa kanyaat hindi nagpahalaga sa kanyang mga pagsisikap.
2. Pagkakita sa kanya, ang masasama'y magugulat,sapagkat hindi nila inaasahang siya ay maliligtas, at sila'y manginginig sa matinding takot.
3. Pagsisisihan nila ang kanilang ginawa,at sa gitna ng paghihirap ng damdamin ay sasabihin nila,
4. “Narito ang taong dati'y ating pinagtatawanan! Tayo pala ang hangal!Nilibak natin siya at hinamak.Akala natin ay kabaliwan ang kanyang pamumuhay,at nang mamatay siya'y hindi natin pinarangalan.
5. Ngayon, narito siya't itinuturing na anak ng Diyos,at kabilang sa mga taong hinirang ng Diyos.
6. Tayo pala ang lumihis sa landas ng katotohanan!Hindi tayo namuhay sa liwanag ng katuwiran,hindi man lamang natin nasilayan ang unang sinag ng kanyang liwanag.
7. Nagpakasawa tayo sa daan ng kasamaan at kapahamakan,naglakbay tayo sa gubat ng kasalanan,hindi natin tinunton ang landas ng Panginoon.
8. Ito ang napala natin sa ating pagmamataas,maging ang ipinagmamagaling nating kayamanan ay walang kabutihang naidulot sa atin.