15. Nakita ng mga tao ang kanyang pag-alis ngunit hindi nila naunawaan,wari'y hindi maabot ng kanilang isipanna pinagpapala at kinahahabagan ng Diyos ang kanyang mga hinirang,at iniingatan ang kanyang banal na bayan.
16. Ang matuwid at banal, kahit mamatay at sumakabilang-buhay,siya'y magiging sumbat sa mga nabubuhay sa kasamaan.Ang matandang namuhay ng di wasto, ay mapapahiya sa mga batang maagang nagtamo ng Karunungan.
17. Makikita ng mga masama ang pagkamatay ng mga matuwid,ngunit hindi nila mauunawaan na ito ang paraan ng pagliligtas ng Panginoon.
18. Pagtatawanan nila ang pagkamatay ng banal,ngunit sa huli'y sila ang pagtatawanan ng Panginoon.Pagkamatay nila, bangkay nila ay hindi pararangalan,at maging sa libinga'y kukutyain sila at kamumuhian ng mga patay magpakailanman.
19. Ibabagsak sila ng Panginoon at sila'y matitigilan.Tulad ng gusali'y mayayanig ang kanilang mga pundasyon,at guguho nang tuluyan.Ganap silang pahihirapan at lubusang malilimutan.
20. Mangingilabot sila kapag inisa-isa ang kanilang mga kasalanan,at kapag ipinamukha sa kanila ang kanilang kasamaan.