Karunungan Ni Solomon 4:12-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Sapagkat pinalalabo ng kasamaan ang kagandahan ng kabutihan,at ginugulo ng masamang pita ang walang malay na isipan.

13. Sa maikling panahon ay narating niya ang lubos na kabanalanna di maabot ng marami sa loob ng mahabang panahon.

14. Naging kalugud-lugod nga siya sa Panginoon,kaya't siya'y kinuha agad mula sa makasalanang paligid.

15. Nakita ng mga tao ang kanyang pag-alis ngunit hindi nila naunawaan,wari'y hindi maabot ng kanilang isipanna pinagpapala at kinahahabagan ng Diyos ang kanyang mga hinirang,at iniingatan ang kanyang banal na bayan.

16. Ang matuwid at banal, kahit mamatay at sumakabilang-buhay,siya'y magiging sumbat sa mga nabubuhay sa kasamaan.Ang matandang namuhay ng di wasto, ay mapapahiya sa mga batang maagang nagtamo ng Karunungan.

Karunungan Ni Solomon 4