1. Mabuti na ang walang anak ngunit malinis ang kalooban,sapagkat ito ay napakahalaga sa mata ng Diyos at ng tao,at ang may malinis na kalooban ay maaalala magpakailanman.
2. Ang taong ito ay nagiging huwaran,at kapag ito'y nawala sa kanya ay tunay na hinahanap.Ito ang pinakamahalagang gantimpala na maaaring makamit ng tao,at pinakamainam na katangiang maaaring taglayin ng sinuman.
3. Ang mga anak sa pagkakasala, gaano man karami, ay hindi papakinabangan;ang lahi nila ay di mapapanatag.
4. Wari'y mga punongkahoy na mababaw ang ugat,sandali silang tutubo, ngunit hindi magtatagal,sapagkat madali silang ibubuwal ng malakas na hangin.
5. Mababali ang kanilang mga sanga sa kanilang kamuraan,at ang mga bunga nila'y di mahihinog, di papakinabangan.
6. Pagdating ng Araw ng Paghuhukom,ang mga anak na iyan sa pagkakasala ang siyang magiging saksi sa kasalanan ng kanilang mga magulang.
7. Sa kabilang dako, ang taong matuwid at banal,mamatay man nang bata pa, ay mapapanatag.
8. Ang marangal na katandaan ay di sinusukat sa haba ng buhayo sa dami ng taong inilagi dito sa balat ng lupa.
9. Ang Karunungan at katuwiran ay malilinaw na palatandaan ng hustong kaisipan,at siya ring sukatan ng tunay na pinagkatandaan.
10. Si Enoc ay namuhay nang kalugud-lugod sa Diyos.Napamahal siya sa Diyos kaya't siya ay kinuhang buháysamantalang namamayan pa sa gitna ng mga makasalanan,