Karunungan Ni Solomon 3:4-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Bagama't sa tingin ng tao sila'y pinarusahan,ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan.

5. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat.

6. Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.

7. Darating ang Panginoon upang gantimpalaan ang mga matuwid.Magliliwanag silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.

8. Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.

9. Ang mga nananalig sa kanya ay makakaunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan,at ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,sapagkat siya'y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

10. Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan,sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoonat niyurakan ang katuwiran.

11. Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral.Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararatingat wala silang magagawang kabutihan.

Karunungan Ni Solomon 3