10. Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan,sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoonat niyurakan ang katuwiran.
11. Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral.Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararatingat wala silang magagawang kabutihan.
12. Lalabas na di mapagkakatiwalaan ang kanilang mapapangasawa,at ang kanilang mga anak ay maliligaw ng landas.
13. Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa.Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman.Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan;gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.