1. Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,at di sila makakaranas ng kaunti mang pahirap.
2. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay.Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
3. at ang pagpanaw nila ay tuluyang pagkawala,Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na.
4. Bagama't sa tingin ng tao sila'y pinarusahan,ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan.
5. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat.