1. Ang walang kabuluhang pangangatuwiran ng masama ay ganito:“Maikli at malungkot ang buhay,” wika nila sa sarili,“at wala nang lunas pagdating ng wakas ng buhay ng tao,wala na ring patay na nakakabalik mula sa libingan.
2. Pagkakataon lamang ang pagkasilang sa atin;pagkatapos, tayo'y papanaw at parang di isinilang.Ang hininga natin ay tulad lamang ng usok,at ang isipa'y parang tilamsik na mula sa pintig ng puso.