Karunungan Ni Solomon 18:8-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Ang paraang ginamit mo sa pagpaparusa sa aming mga kaawayay siya mo ring ginamit na pantawag sa amin,upang kami'y bahaginan mo ng iyong karangalan.

9. Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito ay lihim na naghahandog.Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.Noon pa'y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.

10. Samantala, ang panaghoy ng kanilang mga kaaway ay abot sa buong paligid,dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak.

Karunungan Ni Solomon 18