Karunungan Ni Solomon 18:2-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang mga kaaway nila'y nagpapasalamat, sapagkat kahit na ginawan ng masama ay hindi gumaganti.Sila'y humingi ng tawad dahil sa kanilang pakikipag-away.

3. Kaya, sa paglalakbay nila patungo sa ibang lupain,sila'y pinasubaybayan mo sa haliging apoy.Parang araw na nagliliwanag ngunit hindi sila nasusunog sa makasaysayang paglalakbay na iyon.

4. Nararapat lang sa kanilang mga kaaway na pagkaitan ng liwanag at ibilanggo sa kadiliman,pagkat ibinilanggo nila ang iyong bayanna naging kasangkapan sa pagsasabog ng liwanag ng iyong Kautusan sa buong daigdig.

5. Pinatay nila ang mga sanggol ng iyong bayan maliban sa isang nailigtas,Kaya pinatay mo rin ang kanilang mga sanggol,at nilipol mo ang kanilang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking baha.

6. Ang mangyayari sa gabing iyon ay ipinagpauna mong sabihin sa aming mga ninuno,upang magalak sila sa katuparan ng iyong mga pangakong pinagtiwalaan nila.

7. Alam ng iyong bayan na ililigtas moang mga matuwid at paparusahan ang kanilang mga kaaway.

8. Ang paraang ginamit mo sa pagpaparusa sa aming mga kaawayay siya mo ring ginamit na pantawag sa amin,upang kami'y bahaginan mo ng iyong karangalan.

9. Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito ay lihim na naghahandog.Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.Noon pa'y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.

10. Samantala, ang panaghoy ng kanilang mga kaaway ay abot sa buong paligid,dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak.

11. Iisa ang parusang iginawad sa alipin at sa panginoon.Iisa ang kapalarang sinapit ng hari at ng karaniwang tao.

12. Pare-pareho silang namatayan.Hindi mabilang ang mga bangkay na iisa ang ikinamatay.Kakaunti ang natira sa kanila,at hindi nila kayang ilibing ang napakaraming patay.Sa isang kisap-mata, ang pinakamamahal nilang mga anak ay namatay na lahat.

13. Noong una'y wala silang pinaniniwalaan liban sa kapangyarihan ng kanilang salamangka.Ngunit nang mamatay ang kanilang mga panganay, naniwala rin silang ikaw, O Diyos, ang ama ng bayang Israel.

14. Payapa at tahimik ang lahat,nangangalahati na ang gabi,

15. walang anu-ano'y bumabâ ang makapangyarihan mong mga salita,mula sa iyong maharlikang trono sa langit,pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakingaya ng mabagsik na mandirigma.

Karunungan Ni Solomon 18