Karunungan Ni Solomon 17:18-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Ang lahat sa paligid ay kinatakutan nila—pati ang marahang ihip ng hangin,o ang magandang huni ng mga ibon sa mga sanga ng punongkahoy,o ang lagaslas ng tubig sa umaagos na batis,ang ugong ng mga batong gumuguho,ang ingay ng mga hayop na tumatakbo at lumulukso ngunit hindi nakikita,ang atungal ng mababangis na hayop,ang alingawngaw ng mga kuweba sa libis ng bundok—at halos mamatay sila sa takot.

Karunungan Ni Solomon 17

Karunungan Ni Solomon 17:11-20