Karunungan Ni Solomon 16:6-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Ang maikling pahirap na iyan ay isang babala lamang.Kapagdaka'y binigyan mo sila ng isang sagisag ng kaligtasan.Ang ahas na tanso ay isang paalala sa kanila na hinihingi ng iyong Kautusan.

7. Ang sinumang tumingin doon ay naligtas sa kagat ng ahas,ngunit hindi sa bisa ng kanilang nakita, kundi sa kapangyarihan mo, ang tagapagligtas ng sangkatauhan.

8. Sa pamamagitan nito, ipinakita mo sa aming mga kaawayna ikaw ang nagliligtas sa tao sa lahat ng kasamaan.

9. Nagkamatay ang aming mga kaaway sa kagat ng mga balang at langaw,at walang nakuhang igagamot sa kanila,sapagkat kailangang parusahan sila sa pamamagitan ng gayong paraan.

10. Samantala, ang mga anak mo ay di nagapi kahit ng kagat ng makamandag na ahas,sapagkat kinahabagan mo sila, tinulungan at pinagaling.

11. Binayaan mo silang tuklawin ng mga ahas upang maalala nila ang iyong mga utos,subalit agad mo silang iniligtas upang di ka nila makalimutanat upang hindi nila tuluyang makaligtaang pakinabangan ang kabutihan mo sa kanila.

12. Hindi gamot na pantapal o panghaplos ang nagpagaling sa kanila.Pinagaling sila ng iyong salita, O Panginoon, ng salita mong nagpapagaling sa sangkatauhan.

13. Ikaw ang may kapangyarihan sa buhay at kamatayan;ikaw ang makapagdadala sa tao sa daigdig ng mga patay, at ikaw rin ang tanging makapagbibigay sa kanya ng panibagong buhay.

14. Ang masamang tao ay maaaring pumatay ng kapwa,ngunit hindi siya maaaring bumuhay ng patayo magpalaya sa isang kaluluwang bilanggo ng kamatayan.

15. Sinuman ay hindi makakaligtas sa iyong mga kamay.

16. Tingnan ninyo ang masasamang taong iyon.Ayaw ka nilang kilalanin bilang Diyos,kaya pinarusahan mo sila sa pamamagitan ng dakila mong kapangyarihan.Hinagupit mo sila ng malalakas na bagyo ng ulan at yelo,at lubusan silang natupok sa apoy.

17. Ito ang kahanga-hanga: ang apoy ay lalong naglagablab sa gitna ng tubig na siyang ipinampapatay sa apoy.Ang buong sansinukob ay tumulong upang ipagtanggol ang mga matuwid.

Karunungan Ni Solomon 16