16. Tingnan ninyo ang masasamang taong iyon.Ayaw ka nilang kilalanin bilang Diyos,kaya pinarusahan mo sila sa pamamagitan ng dakila mong kapangyarihan.Hinagupit mo sila ng malalakas na bagyo ng ulan at yelo,at lubusan silang natupok sa apoy.
17. Ito ang kahanga-hanga: ang apoy ay lalong naglagablab sa gitna ng tubig na siyang ipinampapatay sa apoy.Ang buong sansinukob ay tumulong upang ipagtanggol ang mga matuwid.
18. Sa isang pagkakataon ang ningas ay biglang namatay,nang hindi mamatay ang mga hayop na ipinadala mo upang parusahan ang mga taong iyon.Sa gayon ay ipinakita mo sa kanilana sila'y inuusig ng parusa ng Diyos.
19. Ngunit sa iba namang pagkakataon, ang apoy ay lalo pang naglagablab nang palibutan ng tubig,upang sirain ang ani sa lupain ng mga makasalanan.
20. Ngunit ang bayan mo'y hindi nahirapan nang ganyan; sa halip, pinadalhan mo sila ng pagkain ng mga anghel.Mula sa langit, binigyan mo sila ng tinapay na hindi na kailangang iluto kundi handa nang kainin;pagkaing naging kasiya-siya sa lahat, kahit na ano ang kanilang panlasa.
21. Dito nakikita kung gaano ang pagkalinga mo sa iyong mga anak.Nagustuhan ng lahat ang pagkaing iyon,sapagkat nagbabago ang lasa ayon sa nais na lasa ng bawat kumakain.
22. Ang pagkaing iyon ay dapat sanang natunaw na gaya ng yelo o niyebe,ngunit hindi natunaw kahit lutuin sa apoy.Dito'y ipinakilala mo sa iyong bayan na ang apoy na tumupok sa ani ng kanilang kaaway, samantalang umuulan ng yelo,
23. ay siya ring apoy na inalisan mo ng kapangyarihan,upang sila'y may makain.
24. Ikaw ang lumikha sa sansinukob, at ang lahat ay nasa ilalim ng iyong kapangyarihan.Ginagamit ng kalikasan ang kanyang lakas upang parusahan ang masasama,ngunit siya'y banayad at maamo sa mga nagtitiwala sa iyo.
25. Ang kalikasan ay nag-angkin ng lahat ng anyo,upang ipakita kung paano mo pinangangalagaan ang lahat ng tumatawag sa iyo.
26. Nangyari ang lahat ng ito, Panginoon, upang maunawaan ng bayan mong minahal,na hindi sila mabubuhay sa pamamagitan lamang ng kanilang mga tanim.Ang iyong salita ang nagbibigay-buhay sa lahat ng umaasa sa iyo.
27. Ang pagkaing hindi natupok sa apoyay natunaw sa unang sinag ng araw.
28. Dito'y tinuruan mo kaming bumangon bago magbukang-liwayway,at magpasalamat sa iyo at manalangin sa pagsikat ng araw.
29. Ang pag-asa ng taong di marunong tumanaw ng utang na loob ay matutunaw na parang hamog na nagyelo,at aagos na parang tubig na di pinakinabangan.