15. Inaari nilang diyos ang lahat ng mga imahen,na mayroon ngang mata, ngunit hindi naman makakita.May ilong ngunit hindi makahinga,may tainga ngunit hindi makarinig.May daliri ngunit hindi makadama.May paa ngunit hindi makalakad.
16. Ang gumawa sa mga ito ay taong hiram lamang ang buhay.Walang makakagawa ng isang diyus-diyosang maipapantay sa tao.
17. Ang lahat ng tao ay mamamatay balang araw,ngunit ang hinugisan ng makasalanan niyang kamay sa mula't mula pa ay isa nang patay.Higit pa siyang mahalaga kaysa larawang kanyang sinasamba, sapagkat siya ay buháy;ngunit ang sinasamba niya ay hindi buháy at hindi naging buháy kahit kailan.
18. Sumasamba sila sa mga karumal-dumal na hayop,pati na sa mga hayop na walang isip.
19. Mga hayop na walang angking kagandahan, na kahit bilang hayop ay walang magmahal.Tila kinaligtaan nang ipakita ng Diyos ang kanyang pagkalugod at igawad ang kanyang pagpapala sa sangnilikha.