13. Alam niya—higit sa sinuman—na siya'y nagkakasala sa paggawa ng mga diyus-diyosanat marurupok na sisidlan mula sa iisang uri ng luwad.
14. Ngunit, Panginoon, lalong hangal—hangal pa kaysa sanggol na walang muwang—ang mga kaaway na nagmalupit sa iyong bayan.
15. Inaari nilang diyos ang lahat ng mga imahen,na mayroon ngang mata, ngunit hindi naman makakita.May ilong ngunit hindi makahinga,may tainga ngunit hindi makarinig.May daliri ngunit hindi makadama.May paa ngunit hindi makalakad.