Karunungan Ni Solomon 15:12-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Ang buhay ng tao sa balat ng lupa'y isang laro lamang,o isang pamilihang mapagkukunan ng pakinabang.Kinakailangang siya'y magkamal ng maraming salapi kahit sa anong paraan—kahit sa masama.Iyan ang kanyang paniwala.

13. Alam niya—higit sa sinuman—na siya'y nagkakasala sa paggawa ng mga diyus-diyosanat marurupok na sisidlan mula sa iisang uri ng luwad.

14. Ngunit, Panginoon, lalong hangal—hangal pa kaysa sanggol na walang muwang—ang mga kaaway na nagmalupit sa iyong bayan.

15. Inaari nilang diyos ang lahat ng mga imahen,na mayroon ngang mata, ngunit hindi naman makakita.May ilong ngunit hindi makahinga,may tainga ngunit hindi makarinig.May daliri ngunit hindi makadama.May paa ngunit hindi makalakad.

16. Ang gumawa sa mga ito ay taong hiram lamang ang buhay.Walang makakagawa ng isang diyus-diyosang maipapantay sa tao.

17. Ang lahat ng tao ay mamamatay balang araw,ngunit ang hinugisan ng makasalanan niyang kamay sa mula't mula pa ay isa nang patay.Higit pa siyang mahalaga kaysa larawang kanyang sinasamba, sapagkat siya ay buháy;ngunit ang sinasamba niya ay hindi buháy at hindi naging buháy kahit kailan.

18. Sumasamba sila sa mga karumal-dumal na hayop,pati na sa mga hayop na walang isip.

19. Mga hayop na walang angking kagandahan, na kahit bilang hayop ay walang magmahal.Tila kinaligtaan nang ipakita ng Diyos ang kanyang pagkalugod at igawad ang kanyang pagpapala sa sangnilikha.

Karunungan Ni Solomon 15