Karunungan Ni Solomon 15:1-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ngunit ikaw, aming Diyos, ay mabait, tapat at mapagpaumanhin.Pinamamahalaan mo ang sansinukob nang may pagkahabag.

2. Kung kami man ay nagkakasala, kami'y iyo pa rin,sapagkat kumikilala pa rin kami sa iyong kapangyarihan.At yamang alam namin ito, hindi na kami magkakasala.

3. Ang pagkilala sa iyo ay ganap na pagiging-matuwid.Ang pagkilala sa iyong kapangyarihan ang ugat ng pagiging walang kamatayan.

4. Hindi kami nailigaw ng anumang gawa ng likong kaalaman ng tao,gaya ng isang walang kabuluhang larawang ginuhit ng pintor,o ng isang imaheng pinintahan ng iba't ibang kulay.

5. Makita lamang ang mga ito ng mga mangmang ay nagsisiklab na agad ang kanilang pananabiksa isang imaheng walang buhay at walang hininga.

6. Sinumang gumawa, magnasa, o sumamba sa gayong larawan ay umiibig sa isang bagay na masama,at natatamo niya ang marapat sa kanya nang umasa siya sa bagay na iyon.

7. Minamasa ng magpapalayok ang malagkit na putikat maingat na hinuhugisan upang gawing kasangkapan.Mula sa iisang uri ng lupa,gumagawa siya ng iba't ibang kasangkapan na ginagamit ng mga tao.May ginagamit sa gawaing malinis at marangal,at may ginagamit naman para sa maruruming bagay.Tanging ang magpapalayok lamang ang nagpapasya,kung alin-alin at kung saan-saan ito gagamitin.

8. Ang magpapalayok ay isang tao lamang.Hindi pa nagtatagal na siya'y nilikha mula sa alabok,at pagkatapos ay magbabalik uli sa alabok na pinanggalingan, kapag binawi sa kanya ang hiram niyang buhay.Ngunit inaaksaya niya ang pagod at talino sa paglikha ng isang diyus-diyosang walang kabuluhanmula sa putik na ginagamit niya sa paggawa ng palayok.

9. Hindi niya pansin na maikli lamang ang buhay sa mundo.Nakikipagpaligsahan siya sa mga nagpapanday ng ginto, pilak, at tanso.At ipinagmamalaki niya ang kanyang mga ginagawa, kahit na ang mga ito ay pawang huwad na diyus-diyosan.

Karunungan Ni Solomon 15