21. Kaya ang lahat ng ito ay naging bitag na nakamamatay.Dala ng pangungulila o ng utos ng isang hari,gumawa ang mga tao ng larawang kahoy o bato,na sa huli ay pinag-ukulan nila ng parangal na nauukol lamang sa iisang Diyos.
22. Hindi lamang sila tumangging kilalanin ang Diyos, kundi dahil sa kanilang kamangmangan,gumawa sila ng maraming karahasan at iba pang kasamaan na ginagawa lamang sa digmaan,ngunit sa kanilang kamangmangan ay tinawag nilang kapayapaan.
23. Ipinapatay nila ang mga sanggol kung tumatanggap sila ng mga baguhan sa kanilang pagsamba.At sa kanilang mga lihim na pagsamba ay nagdaraos sila ng mga kainanat inumang kasabay ng lasingan at mga nakakapandiring kahalayan.
24. Hindi na nila iniingatan ang kalinisan ng pamumuhay at ang buhay may-asawa.Pumapatay sila ng tao nang pataksil at kinakalunya ang asawa ng may-asawa.
25. Kahit saa'y laganap ang patayan, nakawan, panlilinlang, pambubuyo sa masama, pagtataksil, kaguluhan, pagsisinungaling,
26. pang-aapi sa mga walang malay, di pagtanaw ng utang-na-loob,karumihan ng budhi, kahalayang labag sa kalikasan,paghihiwalay, pangangalunya, at kawalang-hiyaan.
27. Ang pagsamba sa mga diyus-diyosan na ang pangala'y di dapat sambitin man lamang,ang siyang puno't dulo, ang dahilan at hantungan ng lahat ng kasamaan.
28. Ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ay lubusang mawawala sa sarili.Dahil sa sarap ng pagtatalik, o nagsasabi ng kasinungalinganat sinasabing iyon ay pahayag ng Diyos, namumuhay nang masama, at walang atubiling sumisira sa usapan.