Karunungan Ni Solomon 14:20-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. Marami naman ang labis na naakit sa kagandahan ng likhang ito ng sining,pinaparangalan at nang tumagal ay sinamba nilang parang diyos.

21. Kaya ang lahat ng ito ay naging bitag na nakamamatay.Dala ng pangungulila o ng utos ng isang hari,gumawa ang mga tao ng larawang kahoy o bato,na sa huli ay pinag-ukulan nila ng parangal na nauukol lamang sa iisang Diyos.

22. Hindi lamang sila tumangging kilalanin ang Diyos, kundi dahil sa kanilang kamangmangan,gumawa sila ng maraming karahasan at iba pang kasamaan na ginagawa lamang sa digmaan,ngunit sa kanilang kamangmangan ay tinawag nilang kapayapaan.

23. Ipinapatay nila ang mga sanggol kung tumatanggap sila ng mga baguhan sa kanilang pagsamba.At sa kanilang mga lihim na pagsamba ay nagdaraos sila ng mga kainanat inumang kasabay ng lasingan at mga nakakapandiring kahalayan.

24. Hindi na nila iniingatan ang kalinisan ng pamumuhay at ang buhay may-asawa.Pumapatay sila ng tao nang pataksil at kinakalunya ang asawa ng may-asawa.

25. Kahit saa'y laganap ang patayan, nakawan, panlilinlang, pambubuyo sa masama, pagtataksil, kaguluhan, pagsisinungaling,

26. pang-aapi sa mga walang malay, di pagtanaw ng utang-na-loob,karumihan ng budhi, kahalayang labag sa kalikasan,paghihiwalay, pangangalunya, at kawalang-hiyaan.

27. Ang pagsamba sa mga diyus-diyosan na ang pangala'y di dapat sambitin man lamang,ang siyang puno't dulo, ang dahilan at hantungan ng lahat ng kasamaan.

28. Ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ay lubusang mawawala sa sarili.Dahil sa sarap ng pagtatalik, o nagsasabi ng kasinungalinganat sinasabing iyon ay pahayag ng Diyos, namumuhay nang masama, at walang atubiling sumisira sa usapan.

29. Sapagkat ang mga larawan ng diyos nila at pinagtiwalaan ay walang buhay.Walang takot silang nanunumpa nang di totoo.

30. Ngunit sapilitang aabutin sila ng parusa sa dalawang dahilan:Una, sapagkat nasira ang pagkilala sa tunay na Diyos nang sumamba sila sa mga diyus-diyosan.Pangalawa, walang galang na nilapastangan nila ang kabanalan nang sila'y manumpa nang di totoo, malinlang lamang nila ang mga tao.

31. Hindi ang kapangyarihan ng kanilang pinanumpaan ang magpaparusa sa mga taong masama.Kundi sapilitang lalapatan sila ng parusang angkop lamang sa mga makasalanan.

Karunungan Ni Solomon 14