16. Nang tumagal, lumaganap at nag-ugat ang ganitong maling gawain.Sa kahuli-huliha'y tuluyan itong naging batas.Nagsimula rin sa mga utos ng mga makapangyarihang hari ang pagsamba sa nililok na mga diyus-diyosan.
17. Sa malayong lugar ng kaharian ay may mga nasasakupang nais magparangal sa hari.Ngunit dahil sa kalayuan ay hindi nila ito magawâ nang harapan,kaya, gumagawa sila ng larawan ng hari batay sa kanilang mga imahinasyon,at ito ay hinahandugan ng papuri at paggalang.
18. Ang ambisyon naman ng manlililok na gumawa ng larawan ng hariang nagiging dahilan ng paglaganap ng pagsamba sa larawan,kahit sa mga taong hindi nakakakilala sa hari.
19. Sapagkat, sa hangad niyang magmapuri sa hariay ginagamit niya ang kanyang kasanayan upang pagandahin ang larawan nang higit pa kaysa sa taong inilalarawan.
20. Marami naman ang labis na naakit sa kagandahan ng likhang ito ng sining,pinaparangalan at nang tumagal ay sinamba nilang parang diyos.
21. Kaya ang lahat ng ito ay naging bitag na nakamamatay.Dala ng pangungulila o ng utos ng isang hari,gumawa ang mga tao ng larawang kahoy o bato,na sa huli ay pinag-ukulan nila ng parangal na nauukol lamang sa iisang Diyos.