Karunungan Ni Solomon 14:10-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Ang gumawa at ang ginawa ay kapwa paparusahan.

11. Ang hatol ng Diyos ay babagsak din sa mga diyus-diyosan.Sapagkat, bagaman mga bagay na likha ng Diyos ang ginamit sa paggawa ng mga larawang iyon,nang mayari na ay naging kasuklam-suklam na bagay—bitag na sanhi ng kapahamakan ng mga kaluluwa ng mga hangal.

12. Ang mga pakikiapid ay nagsimula nang gawin ang mga larawang dinidiyos.Simula nang lumitaw ang mga ito, sumamâ na nang sumamâ ang pamumuhay ng tao.

13. Ang mga ito naman ay hindi kaalinsabay ng taoat hindi rin mananatili magpakailanman.

14. Lumitaw ang mga ito dahil sa kapalaluan ng isip ng tao,kaya naman nakatakda ang mga itong malipol sa loob ng kaunting panahon.

15. Isang ama ang minsa'y labis na nagdadalamhati dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang anak.Dahil dito, naisipan niyang gumawa ng larawan ng kanyang anak na namatay.Pagkatapos, sinamba niya itong tulad ng isang diyos,at itinuro niya sa kanyang mga nasasakupan ang mga lihim na pamamaraan ng pagsamba.

16. Nang tumagal, lumaganap at nag-ugat ang ganitong maling gawain.Sa kahuli-huliha'y tuluyan itong naging batas.Nagsimula rin sa mga utos ng mga makapangyarihang hari ang pagsamba sa nililok na mga diyus-diyosan.

17. Sa malayong lugar ng kaharian ay may mga nasasakupang nais magparangal sa hari.Ngunit dahil sa kalayuan ay hindi nila ito magawâ nang harapan,kaya, gumagawa sila ng larawan ng hari batay sa kanilang mga imahinasyon,at ito ay hinahandugan ng papuri at paggalang.

18. Ang ambisyon naman ng manlililok na gumawa ng larawan ng hariang nagiging dahilan ng paglaganap ng pagsamba sa larawan,kahit sa mga taong hindi nakakakilala sa hari.

19. Sapagkat, sa hangad niyang magmapuri sa hariay ginagamit niya ang kanyang kasanayan upang pagandahin ang larawan nang higit pa kaysa sa taong inilalarawan.

20. Marami naman ang labis na naakit sa kagandahan ng likhang ito ng sining,pinaparangalan at nang tumagal ay sinamba nilang parang diyos.

Karunungan Ni Solomon 14