1. Ganyan ang katulad ng taong naghahangad maglakbay sa maalong karagatan.Isang pirasong kahoy na marupok pa kaysa barko ang hinihingan niya ng tulong.
2. Ang barkong iyon ay binalangkas upang pagkakitaan,at nagawa iyon dahil sa Karunungan ng gumawa.
3. Ngunit ang iyong kalinga, O ama, ang nagbibigay direksyon sa barkong iyon,at ikaw ang nagtatakda ng kanyang dadaanan.Ikaw rin ang pumapatnubay sa pagtahak niya sa mga alon.
4. Kahit ang walang karanasan ay maaaring pumalaot,sapagkat maililigtas mo sila sa anumang panganib.
5. Niloob mong gamitin at pakinabangan ang lahat ng bagay na likha ng iyong Karunungan.Kaya naman, nagtiwala ang mga tao sa isang pirasong kahoy.At lulan ng isang marupok na barko ay sumalungat sa mga alon hanggang sa dumaong sila sa isang ligtas na dako.
6. Ganyan ang nangyari noong unang panahon, samantalang nagkakamatay ang isang lahi ng mga higante.Sa iyong pamamatnubay ay nakatakas ang pag-asa ng daigdig, lulan ng isang barko.Sa gayong paraan, natira sa daigdig ang isang angkan na siyang magpapatuloy sa lipi ng tao.