6. Baka naman hindi sila dapat sisihin nang lubos.Maaaring nagsikap silang makilala ang Diyos,ngunit naligaw lamang sila sa kanilang paghahanap.
7. Sa pag-aaral ng mga bagay na nasa paligid nila,lubha silang naakit sa kagandahang kanilang nakita, hanggang sa naniwala silang diyos nga ang mga ito.
8. Ngunit wala silang tunay na maidadahilan sa kanilang pagkaligaw.
9. Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?
10. Ang umaasa sa mga bagay na walang buhay ang pinakahangal sa lahat ng hangal.Silang sumasamba sa mga bagay na likha ng tao:larawan ng mga hayop na yari sa ginto, pilak, o hamak na batong nililok noong unang panahon.