Karunungan Ni Solomon 13:5-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Sapagkat sa pagmalas natin sa kalawakan at kagandahan ng sangnilikha,makikilala natin ang Lumikha.

6. Baka naman hindi sila dapat sisihin nang lubos.Maaaring nagsikap silang makilala ang Diyos,ngunit naligaw lamang sila sa kanilang paghahanap.

7. Sa pag-aaral ng mga bagay na nasa paligid nila,lubha silang naakit sa kagandahang kanilang nakita, hanggang sa naniwala silang diyos nga ang mga ito.

8. Ngunit wala silang tunay na maidadahilan sa kanilang pagkaligaw.

9. Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?

10. Ang umaasa sa mga bagay na walang buhay ang pinakahangal sa lahat ng hangal.Silang sumasamba sa mga bagay na likha ng tao:larawan ng mga hayop na yari sa ginto, pilak, o hamak na batong nililok noong unang panahon.

11. May isang mahusay na manlililok.Pumutol siya ng isang punongkahoy, inalisan ng balatat ginawang isang kasangkapan na maaaring pakinabangan ng tao.

12. Pinulot niya ang mga pinagtabasan at ginamit na panggatongsa pagluluto ng pagkain na makakabusog sa kanya.

Karunungan Ni Solomon 13