13. May isang piraso na walang mapaggamitansapagkat balu-baluktot at sanga-sanga.Sa oras na wala siyang ginagawa,maingat niya itong hinuhugisanat ginagawang isang larawan ng tao,
14. o hugis ng isang hamak na hayop.Pinipinturahan niya ito ng pula,at tinatakpan ang mga bahaging may mantsa.
15. Iginawa niya ito ng isang angkop na lalagyan,isinabit sa dingding at ipinako nang matibay.
16. Pinag-ingatan niyang huwag mahulog iyonpagkat alam niyang iyon ay larawan lamang,at hindi nito mapapangalagaan ang sarili.
17. Ngunit hindi siya nahihiyang manalangin sa larawang iyontungkol sa kanyang asawa, anak at kabuhayan.
18. Mahina iyon, ngunit doon siya humihingi ng lakas ng katawan.Patay iyon, ngunit doon siya humihingi ng buhay.Wala iyong karanasan, ngunit doon siya humihingi ng tulong.Iyo'y walang paa, ngunit doon siya humihingi ng mabuting paglalakbay.
19. Ang mga kamay niyon ay di man lamang maigalaw,ngunit doon siya humihingi ng tulong para sa kanyang negosyo, hanapbuhay, at anumang gawain.