Karunungan Ni Solomon 12:22-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Oo, kami'y iyong pinarusahan, ngunit higit na matindi ang parusa mo sa aming mga kaaway,upang kapag kami ay humatol sa iba, ay maalala namin ang iyong kabutihan.At kapag kami naman ang hinatulan, ay makaasa kami na kami'y kahahabagan.

23. Pinarusahan mo ang mga namuhay nang masama,at ang ginamit mo sa pagpaparusa ay ang mga kasuklam-suklam na bagay na kanilang sinamba.

24. Nahiwalay sila nang malayo sa katotohanan,at sumamba sa mga kasuklam-suklam na hayop.Nalinlang sila na para bang mga batang walang isip.

25. Pinarusahan mo sila dahil sa kanilang kahangalan,kaya't ang lagay nila'y parang mga batang walang muwang.

Karunungan Ni Solomon 12