Karunungan Ni Solomon 12:1-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang espiritu mong walang kamatayan ay nasa lahat ng bagay,

2. kaya unti-unti mong itinutuwid ang mga nagkakasala.Pinapaalalahanan mo at binabalaan sila sa kanilang mga ginawa,upang iwanan na nila ang kanilang masamang pamumuhay at sa iyo sila manalig, Panginoon.

3. Kinamuhian mo ang mga nanirahan sa banal mong lupain noong unang panahon,

4. dahil sa kasuklam-suklam nilang mga gawain:dahil sa kanilang pangkukulam at maling pagsamba,

5. dahil sa walang habag na pagpatay nila ng mga sanggol,at pagkain ng laman at dugo ng tao.Sa kanilang mga lihim na seremonya ng pagtanggap sa mga baguhan,

6. pinapatay ng mga magulang ang kanilang mga anak na walang malay.Kaya, ipinasya mong ipalipol sila sa aming mga ninuno,

7. upang ang lupaing itinangi moay maging angkop na tirahan ng iyong bayan.

8. Gayunman, sila'y kinaawaan mo sapagkat sila'y mga tao rin.Kaya nagsugo ka ng mga pukyutan upang mauna sa iyong hukboat lipulin nang unti-unti ang mga kaaway na iyon;

9. bagama't magagawa mong ipagapi sa bayan mong pinili ang masasamang taong iyon,o lipulin sila sa pamamagitan ng mababangis na hayop,o sa bisa ng makapangyarihan mong salita.

10. Ngunit hindi mo binibigla ang pagpapatupad ng iyong hatol,upang mabigyan pa sila ng pagkakataong makapagsisi,kahit alam mong sila'y likas na masama,at hindi na magbabago sa masama nilang paniniwala.

11. Sapagkat sapul pa sa simula, sila'y isang lahing isinumpa,ngunit hindi dahil sa takot kaninuman kaya hindi mo sila pinarusahan.

12. Ikaw ang lumikha sa mga bansang iyon, at walang makakapagtanong kung bakit gayon ang ginawa mo sa kanila.Wala rin namang makakatutol sa iyong naging pasya.Hindi ka maaaring panagutin ninuman sa paglipol mo sa kanila,at walang makakadulog sa hukuman laban sa iyo para ipagtanggol ang makasalanang lahing iyon.

13. Lahat ng bagay ay nasa ilalim ng iyong pangangalaga,at sa iyong paghatol ay wala kang pananagutan sa ibang diyos.

14. Hindi ka maaaring paratangan ng alinmang hari o pinuno,na pinarusahan mo ang lahing iyon nang walang katarungan.

15. Ikaw ay matuwid at makatarungang namamahala sa lahat ng bagay.Hindi mo ginagamit ang iyong kapangyarihanupang parusahan ang isang taong wala namang kasalanan.

Karunungan Ni Solomon 12