1. Pinapagtagumpay din ng Karunungan ang mga Israelita noong panahon ng banal na propeta.
2. Nilakbay nila ang mga ilang at nagtayo ng toldasa mga dakong hindi pa natitirhan ng tao.
3. Hinarap nila ang kanilang mga kaaway at naitaboy ang mga ito.
4. Nang sila'y mauhaw, tumawag po sila sa iyo, Panginoon,at binigyan mo sila ng tubig, mula sa isang batong buháy.
5. Ang mga pahirap na ginamit mo bilang parusa sa kanilang mga kaawayay pagpapala ring ginamit mo sa panahon ng kanilang pangangailangan.
6. Pinalabo mo ang mga bukal ng kanilang ilog na walang patid ang agos.Bumaho ang tubig at namulang parang dugo.
7. Iyon ang parusa sa utos nilang patayin ang mga sanggol ng iyong bayan.Ngunit ang bayan mo'y binigyan mo ng masaganang tubig sa panahong hindi nila inaasahan,
8. matapos silang magdanas ng uhaw sa ilangupang matikman nila ang parusa na ginawa mo sa kanilang mga kaaway.
9. Pinaraan mo sila sa mahigpit na pagsubok; bagaman ang parusang iyon ay may halong habag,upang malaman nila kung paano mo pinahihirapan ang masasama, kapag nagalit ka at sila'y hatulan.