Karunungan Ni Solomon 11:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pinapagtagumpay din ng Karunungan ang mga Israelita noong panahon ng banal na propeta.

2. Nilakbay nila ang mga ilang at nagtayo ng toldasa mga dakong hindi pa natitirhan ng tao.

3. Hinarap nila ang kanilang mga kaaway at naitaboy ang mga ito.

4. Nang sila'y mauhaw, tumawag po sila sa iyo, Panginoon,at binigyan mo sila ng tubig, mula sa isang batong buháy.

5. Ang mga pahirap na ginamit mo bilang parusa sa kanilang mga kaawayay pagpapala ring ginamit mo sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Karunungan Ni Solomon 11