11. Kaya huwag kayong reklamo nang reklamo;walang kabutihang maidudulot iyan.Iwasan ninyo ang mga usapang udyok ng hinanakit.Ang mga sinabi ninyo nang palihim ay tiyak na magbubunga,At ang pagsisinungaling ay kapahamakan ng kaluluwa.
12. Huwag ninyong hanapin ang inyong kamatayan sa pamamagitan ng masasamang gawa;huwag kayong pumasok sa kapahamakan na kayo na rin ang may kagagawan.
13. Ang kamatayan ay hindi gawa ng Diyos.Hindi siya nalulugod sa pagkamatay ng alinmang may buhay.
14. Ginawa niya ang bawat nilalang upang magpatuloy,at lahat ng nilalang niya ay mabuti at mahusay.Wala silang kamandag na nakamamatay.Ang kamatayan ay di naghahari sa daigdig na ito,
15. sapagkat ang katarungan ng Diyos ay walang kamatayan.