9. Nang mabalitaan nga ni Judith ang matinding pagrereklamo ng mga tao kay Uzias at sa mga pinuno ng bayan dahil sa kakulangan ng tubig, at kung paanong ipinangako ni Uzias na isusuko na sa mga taga-Asiria ang lunsod pagkalipas ng limang araw,
10. tinawag niya ang isang alilang babae na namamahala sa lahat niyang ari-arian. Pinapunta niya ito sa pinuno ng lunsod upang hilingin kina Uzias, Cabris, at Carmis na makipagkita sa kanya.
11. Nang dumating ang mga pinuno, sinabi ni Judith, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko, kayong mga pinuno ng Bethulia. Wala kayong karapatang sabihin sa mga tao at isumpa sa harapan ng Diyos na isusuko ninyo sa kaaway ang lunsod natin kung hindi tutulong ang Panginoon sa loob ng limang araw.
12. Bakit ninyo sinusubok ang Diyos? Itinaas ninyo ang inyong sarili at hindi ang Diyos.
13. Ano't sinusubok ninyo ang Panginoong Makapangyarihan sa lahat? Hindi na ba kayo natuto?