Judith 8:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Tatlong taon at apat na buwan nang biyuda si Judith.

5. Nang siya'y mabiyuda, pinalagyan niya ng bubong ang itaas ng kanyang bahay at doon siya namalagi at di nag-aalis ng damit-panluksa.

6. Sa loob ng panahong iyon, nag-aayuno siya araw-araw, maliban kung bisperas ng Araw ng Pamamahinga at kung mismong Araw ng Pamamahinga, kung bisperas ng bagong buwan at kung mismong bagong buwan, at kapag may kapistahan at mga araw ng pagdiriwang ang Israel.

7. Napakaganda at kaakit-akit si Judith. Naiwanan siya ni Manases ng mga ginto at pilak, mga aliping lalaki't babae, bakahan at lupain. Siya ang namamahala sa mga naiwang ari-ariang ito ng kanyang asawa.

8. Walang sinumang makapagpaparatang ng masama kay Judith, sapagkat isa siyang babaing may takot sa Diyos at laging nananalangin.

Judith 8