Judith 7:15-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Iyon ang magiging mabigat na parusa sa kanilang pagtanggi sa inyo, sa halip na makipagkasundo.”

16. Sinang-ayunan ni Holofernes at ng lahat ng kanyang tauhan ang mungkahing ito.

17. Agad niyang ipinatupad ang utos kaugnay nito. Ang pangkat ng mga Moabita ay lumakad kasama ng 5,000 taga-Asiria at nagkampo sa kapatagan. Pinigilan nila ang pagdaloy ng mga bukal na igiban ng mga Israelita.

Judith 7