Judith 6:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Kaming naglilingkod kay Nebucadnezar ang magpapabagsak sa kanila na parang sila'y iisang tao lamang. Hindi sila makakatagal sa lakas ng aming hukbong nakakabayo.

4. Susunugin namin sila. Dadanak ang masaganang dugo sa kanilang mga burol, at magkakapatung-patong ang mga bangkay nila sa kapatagan. Hindi sila makakapanaig sa amin; sa halip, malilipol silang lahat. Ito ang itinakda ni Haring Nebucadnezar, ang panginoon ng buong sanlibutan. Ito ang sinabi niya at siyang mangyayari.

5. Ikaw naman, Aquior, ikaw na Ammonitang upahan, kataksilan ang sinabi mong ito. Kaya mula ngayon, hindi mo ako makikita hanggang sa mapaghigantihan ko ang lahing ito ng mga takas mula sa Egipto.

6. At pagbabalik ko, ang espada ng aking mga kawal at ang sibat ng aking mga pinuno ang papatay sa iyo, bilang karagdagan sa kanilang mga napatay.

Judith 6