1. Nabalitaan ng mga Israelitang naninirahan sa Juda ang tungkol kay Holofernes na punong kawal ni Haring Nebucadnezar, kung paanong sinalakay ng kanyang hukbo ang mga bansa, at winasak ang kanilang mga templo matapos samsamin ang lahat ng magustuhan.
2. Gayon na lamang ang takot nila sa kanya, at lubha silang nabahala, baka gayon din ang gawin sa Jerusalem at sa templo ng Panginoon na kanilang Diyos.