4. Pagkatapos ng pulong, tinawag ni Haring Nebucadnezar ang pangkalahatang tagapamuno ng kanyang hukbo. Ito'y si Holofernes na siyang kanang kamay ng hari. Sinabi sa kanya ng hari:
5. “Ako na dakilang hari at panginoon ng sanlibutan ang nag-uutos sa iyo: Lumakad ka at isama mo ang pinakamatatapang nating sundalo—120,000 sundalo at 12,000 nakakabayo.
6. Salakayin ninyo ang lahat ng lupain sa kanluran na di sumunod sa aking utos.