Judith 16:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pinangunahan ni Judith ang buong bansang Israel sa isang awit ng pasasalamat. Lahat ay ubos-lakas na umawit ng papuri.

2. Ganito ang awit ni Judith:“Purihin ang Diyos, siya ay awitan,tugtugin ang tamburin, gamitin ang pompiyang,isang bagong awit, siya'y papurihan,siya ay tawagin nang tayo'y tulungan.

3. Siya'y Panginoon, maging ng digmaan.Pinapatigil niya ito, kung kinakailangan;ako'y iniligtas sa mga kalaban,muling ibinalik sa dating tirahan.

4. Mula sa hilaga, mga kabundukan, bumabâ't lumusob ang mga kaaway;hukbong libu-libo ang kasamang kawal,halos ang mga ilog at mga kapatagan,maging mga bundok, lubos na nakalatan.

23-24. Higit siyang naging tanyag sa paglipas ng panahon at umabot siya ng sandaa't limang taóng gulang. Hindi siya umalis sa tahanan ng kanyang asawa at siya'y namatay sa Bethulia kung saan inilibing siya sa tabi ng puntod ng asawa niyang si Manases. Pitong araw na tinangisan ng Israel ang kanyang pagkamatay. Bago siya namatay, ang mga ari-arian niya'y kanyang ipinamahagi sa mga kamag-anak ni Manases at sa sarili niyang kamag-anakan. Kanya ring pinalaya ang lingkod niyang babae.

Judith 16