7. Nang magbalik buhat sa pamumuksa ang mga lalaking Israelita, kinuha nila ang natirang masasamsam. Pati ang nasa mga nayon at bayan sa kaburulan ay maraming nakuha sapagkat talagang napakarami ng kayamanang naroon.
8. Pagkatapos, dumating si Joakim, ang pinakapunong pari, at ang mga bumubuo ng sanggunian ng bansang Israel mula sa Jerusalem. Nakita nila ang kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa Israel at nais din nilang makaharap at batiin si Judith.
9. Nang makaharap na nga nila ito, nagkaisa sila sa pagpaparangal sa kanya. “Ikaw ang karangalan ng Jerusalem! Itinampok ang Israel dahil sa iyo. Ipinagkakapuri ka ng ating bansa.