Judith 15:12-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Nagtipon ang lahat ng babae sa Israel para makita at maparangalan si Judith. Nagpakita rin sila ng tanging sayaw para sa kanya. Si Judith nama'y kumuha ng mga sanga ng olibo at ibinigay sa mga babaing kasama niya.

13. Ipinutong nila sa kanilang ulo ang mga sangang ito, gayon din kay Judith. Pumunta siya sa unahan ng lahat ng nagsasayaw; sumunod sa kanya ang mga babae, at sumusunod sa likuran ang kalalakihan ng Israel, hawak-hawak ang kanilang sandata, nakasuot ng mga kuwintas na bulaklak at masayang umaawit ng papuri sa Diyos.

Judith 15